Monday, September 8, 2014

Filipino:Wika ng Pagkakaisa

             


                Ang Pilipinas ay isa sa may pinakamaraming wika sa buong mundo. Mayroon tayong katutubong wika katulad ng wikang Ilocano, Waray-Waray, Kapampangan, Bicolano, Cebuano, Hiligaynon at marami pang iba. Sinasalita rin natint ang mga wikang banyaga katulad ng Ingles, Kastila at marami pang iba.
                Pagsapit ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika. Hindi tayo magkakaunawaan kung wala tayong isang wika na dapat nating gamitin. Kaya itinatag ni Pangulong Manuel L. Quezon ang ating wikang pambansa, ang wikang Filipino. Ang wikang ito ay naglalayung pagkaisahin ang mga Pilipino at magkaunawaan sa pamamagitan mg paggamit nito.

                Kaya dapat nating ipagmalaki ang ating wikang Filipino at huwag ikahiya. Maslalo pa nating tangkilikin an gating wika at huwag nating balewalain o kalimutuan.

No comments:

Post a Comment