Ang Pilipinas ay isa sa may pinakamaraming wika sa buong mundo. Mayroon tayong katutubong wika katulad ng wikang Ilocano, Waray-Waray, Kapampangan, Bicolano, Cebuano, Hiligaynon at marami pang iba. Sinasalita rin natint ang mga wikang banyaga katulad ng Ingles, Kastila at marami pang iba.
Pagsapit
ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika. Hindi tayo magkakaunawaan
kung wala tayong isang wika na dapat nating gamitin. Kaya itinatag ni Pangulong
Manuel L. Quezon ang ating wikang pambansa, ang wikang Filipino. Ang wikang ito
ay naglalayung pagkaisahin ang mga Pilipino at magkaunawaan sa pamamagitan mg
paggamit nito.
Kaya
dapat nating ipagmalaki ang ating wikang Filipino at huwag ikahiya. Maslalo pa
nating tangkilikin an gating wika at huwag nating balewalain o kalimutuan.

No comments:
Post a Comment